Isang tip mula sa aming reliable source mula sa kilalang networking company na Royale Business Club ang nagpahayag na pinalitan na nga ang presidente ng nasabing grupo dahil sa ma-anomalyang pamamalakad nito sa Royale Business Club.
Ayon sa tip, malaki raw ang tiwala ng Chairman ng Royale sa presidente ng grupo sa Pilipinas. Gayon na nga ang pagtitiwala niya to the point na oo na lang ito nang oo sa mga request ng nasabing lider.
Ayon sa report na nakalap namin, ang Presidente na ito ay tumatanggap ng 15M kada buwan, maliban pa ito sa porsyentong nakukuha niya sa kanyang downline. Swerte nya pa na siya ang nasa pinakatuktok at iniregalo sa kanya ng Chairman ang mga nasa taas na accounts.
Maliban dito, sa sobrang kagahamanan umano ng presidenteng ito ay, tinanggal niya ang mga satellite offices na magiging umbrella units sana sa pagpapalago ng businesses ng iba pang nasa downline ng kumpanya. Kaya raw ito tinanggal ay para ma-monopolize ang lahat ng branches at sa Jieants pumasok.
Nagkaroon rin ng isyu tungkol sa mga produkto ng Royale, katulad ng Spirulina, Prime at Performax. According sa source, sabi lang raw na out of stock ang mga ito kahit na meron naman talaga. Hoarding ang ginagawa para kay presidente mapunta ang kita, kahit na ready to launch na.
Ang simulang pagtulong-tulong sa Royale, naging lamat sa samahan nito. Imbes na mag-inspire ng leaders at paghirapan ang kita, naging imahe at brand ng Royale ang pagpapayabang at pangangalandakan ng pera kaysa ang produktong dapat naman talaga ang ibinibida!
Ngayon, ang mga Royale members ang nagsa-suffer. Pero, mayroon pang ibang pasabog ang mga myembrong mas nakakaalam tungkol sa puno't dulo ng deals ng ex-Presidenteng ito. Lahat ay maisisiwalat rin sa tamang panahon.
Kung ikaw ay isang myembro ng Royale, naramdaman mo ba ang mga paratang na ito? Para sa'yo, ano ang iyong opinyon? Tama ba ang naging desisyon ng pamamahala na hindi na habulin ang pag-re-resign ng greedy na ex-president nito? Share us your thoughts!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento