Mukhang hindi talaga matitigil ang tip namin tungkol sa Royale Business Club. It turns out na isa rin sa dahilan ng pagkakasibak ng ex-president at pag-resign nito ay ang tax evasion case na kinakaharap niya ngayon.
Ang ikinadidismaya ng mga myembro ng Royale ay ang pag-ba-bad mouth nito sa kanilang grupo. Gayon na rin, ay gumagawa ng kanyang sariling networking company ang nasabing presidente na ipinagmamayabang ang mga exotic cars tulad ng Ferrari, Bentley, Porsche Cayenne at Lamborghini.
Ngunit, saan ba nanggagaling ang himutok ng mga kaanib ng Royale laban sa dati nitong Presidente?
According sa aming insider, nag-demand ng malaking halaga ang nasabing ex-president at tinangka pang takutin ang Chairman na kung 'di itataas ang kanyang sahod (na napakalaki na nga, maliban sa commissions niya) ay mag-re-resign ito.
Sagad nga yata sa yabang ang pagkakasabi niya nito kaya 'di na rin siya pinatulan ng Chairman at pinabayaan siyang mag-resign.
Mayroon pa kaming nakalap na impormasyon tungkol sa pagbuo ng nasabing lider ng bagong grupong EuroMen. Ano nga ba ito at bakit ito binuo?
Two years ago ay nag-imbita si President para mag-bonding sa Europe. Nagpakasasa sila kasama ang presidente sa mga bayarang babae sa Europe. Talagang hapi-hapi ang abot ng mga ito sa saya, nalula sila sa daang libong pamasahe sa Europa at sa hotel na kanilang pinaglunan.
In fact, gusto pa niyang magpa-tattoo sila patunay na sila ang EUROMEN. Mula dito ay napagtanto ng nag-tip sa amin na hindi na lamang sila basta-bastang grupong nagsusumikap maiahon ang buhay - gumawa na ng kulto na tila nagpapapaka-icon at idolo ang kanilang lider samantalang daan-daan sa kanilang downline ang naghihirap, sila'y nagpapakasasa sa komisyon nila sa mga nasa baba.
Sa mga araw na siya'y nakasama ng mga true blue Royale members, nakita nila kung gaano abusuhin ng dating presidente ang pera at kung paanong ang tingin niya sa lahat ng bagay ay may halaga. Nagmistulang-halimaw na siya at naging alipin ng pera. Walang sinu-sino at walang kinikilalang Diyos.
Isang rebelasyon mula sa kanyang dating kaibigan: ngayon, wala na silang kita at tila sila'y kawawa at nagsisi dahil sa pakikisama sa taong inimpluwensyahang silang baguhin ang pananaw sa pinaghirapang pera.
Ang dating pangarap na maiahon ang sarili sa hirap ng buhay; nauwi sa isang trahedya ng pagkakaibigang nasira, pag-abuso sa pera at kapangyarihan. Mga bagay na hindi gugustuhin ng isang normal at hamak na Royale member na nagsusumikap upang mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento